Miyerkules, Hulyo 18, 2012

Paano gamitin ang kalayaan o Freedom

Kapag ginagamit natin ang kalayaan,kinakailangan na gamitin natin ito sa tamang paraan.Sa panahong gamit natin ito kailangan gamitin din natin ang ating isip,Halimbawa,kapag may iniisip ka kung saan sa dalawa ang uunahin mo,gaya ng damdamin o isip.

Ang kalayaan ay isang katangian na kinakailangang nakasunod sa limitasyon.Lahat ng bagay ay may sariling kalayaan at lahat ng may buhay sa mundo ay may kanya-kanyang kalayaan.Ang kalayaan ay magagawa mo lahat ng gusto mo.

Magagawa mo ito kapag sinunod mo ang mga limitasyon na mabubuti at may mga limitasyon na nakabagay dito.May mga limitasyon na mabubuti at may mga limitasyon din na masasama.Kung papipiliin ako kung saan sa dalawa,ang pipiliin ko ay ang nasa mabuting gawain.

Dahil kung ito ay gagamitin mo walang problemang mabubuo,at kung sa masama ang gagawin mo,nakasunod ang mga problema sayo.

Sa mga eleksyon may karapatan tayong pumili ng gustong mga presentante na gustong mamuno sa atin.Napakaswerte natin dahil naging tahanan natin ang Pilipinas dahil sa ibang bansa walang kalayaan na natatamo tulad natin.

Ang kalayaan ay parang isang ibon,dahil malaya silang lumilipad sa alapa-ap.Ang kalayaan ay parang isang tubig dahil malaya iton dumadaloy sa kanyng patutunguhan.

Gaya ng hangin na kayang magpadala sa ihip dahil gusto nilang makisalamuha sa kagaya nilang  hangin at gusto rin nilang madala sa ihip nito.
Ang kalayaan ay parang damuhan dahil malaya itong tumubo kahit saan.

Soar High-kahulugan nito ay tumayo sa paraang tama ang iyong nilalabanan at tumayo kasama ang kalayaan.

Ginagamit ko ang aking kalayaan sa tamang paraan at oras.At hindi ko rin inaabuso ang sariling kalayaan ko. Lahat tayo ay binigyan ng Diyos ng sariling kalayaan para magamit natin sa tamang paraan at hindi sa maling paraan.Kinakailangang lahat tayo ay gumamit ng ating sariling kalayaan at walang sino man ang magdidikta sa mga sarili natin.


"GAMITIN NATIN ANG KALAYAAN SA TAMANG PARAAN"